dzme1530.ph

Mt. Apo, pansamantalang isasara sa publiko

Panasamantalang isasara sa publiko ang Mt. Apo sa Davao del Sur, ayon sa mga awtoridad.

Dahil ito sa isasagawang taunang rehabilitasyon, pagpapanatiling maayos, at konserbasyon sa nasabing lugar, kung saan magsisimula ito ngayong Hunyo 1 hanggang Agosto 31.

Hindi muna papayagan ang anumang aktibidad tulad ng trekking maging ang camping.

Ang anunsyong ito ay ibinahagi ng Davao del Sur Tourism Development Culture Promotions Office sa kanilang official Facebook account, ngayong araw ng Sabado, June 1.

About The Author