dzme1530.ph

MRT-3, MAY LIBRENG SAKAY SA MGA BETERANO SIMULA NGAYONG LUNES HANGGANG SA SABADO

Loading

Magkakaloob ng free rides para sa mga beterano ang Metro Rail Transit 3 o MRT-3 mula ngayong araw na ito hanggang sa April 11 bilang pagdiriwang ng ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week.

 

Ayon sa MRT-3, ito ay bilang pagkilala sa sakripisyo at kabayanihan ng mga beterano para sa kalayaan ng bansa.

 

Kailangan lamang ipakita ng mga beterano ang kanilang veteran’s ID o anumang valid ID upang maisyuhan ng libreng single journey ticket.

 

Papayagan din silang magkaroon ng isang kasama sa kanilang biyahe sa tren.

About The Author