dzme1530.ph

MRT-3, balik-operasyon na matapos ang Holy Week maintenance suspension

Balik na sa normal na operasyon ang linya ng MRT-3, ngayong lunes, April 1, matapos ang Holy Week maintenance suspension noong nakaraang linggo.

Simula March 27, Miyerkules Santo hanggang kahapon, March 31, ay isinailalim ang MRT-3 sa taunang maintenance works, kabilang na ang power supply, overhead catenary system, mainline tracks, signaling and communications, rolling stock, at iba pang mga pasilidad ng linya.

Ang unang biyahe ng tren ay 4:30 a.m. mula sa North Avenue Station at 5:05 a.m. naman mula sa Taft Avenue Station.

Samantala, aalis ang huling tren mula sa North Avenue Station ng 9:30 p.m. at 10:09 p.m. naman mula sa Taft Avenue Station.

About The Author