dzme1530.ph

Mr. International 2023, gaganapin sa Pilipinas sa Setyembre

Gaganapin ang Mister International Pageant sa Pilipinas ngayong taon, ayon sa pageant owner na si Manuel Deldio.

Ang male pageant ay isasagawa sa Newport World Resorts sa Pasay City sa September 28.

Inilarawan ni Deldio ang Pilipinas bilang perfect location para sa pageant dahil sa mayamang kultura ng bansa at inspiring people.

Aniya, napapanahon na ganapin ang Mister International sa Pilipinas dahil maraming magagandang lugar at personalidad sa bansa na kailangang mapanood international audience.

Idinagdag ni Deldio na naghahanap sila ng kokoronahan na kayang magsalita mula sa puso, pinahahalagahan ang pinagmulan, mayroong international appeal, at makapagbibigay ng inspirasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author