All set na ang ginagawang paghahanda ng Manila Police District (MPD) sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon nasa 20 drones at iba pang asset ang kanilang ipapakalat sa Maynila para mag-monitor sakaling magsagawa ng kaliwa’t-kanang protesta.
Magsisilbing monitoring ng MPD ang naturang drones na ipapakalat sa freedom parks at iba pang matataong lugar para masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa Maynila sa araw ng SONA.
Dagdag pa ni Dizon, nasa 500 MPD personnel ang kaniyang idedeploy at ang iba sa mga ito ay ipapadala sa lungsod ng Quezon City, bilang karagdagang augmentation force sa pagbabantay sa SONA ni PBBM.
Mahigpit ding babantayan ang bawat boundary sa lungsod ng Maynila upang mapigilan ang ilang indibidwal o grupo na nais gumawa ng kaguluhan sa lungsod. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News