Ganap nang nilagdaan na ng dalawnag ahensiya ng bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng BOC at DICT.
Target ng partnership na ito na i-promote ang integration, interoperability, at interconnection ng kanilang mga system at application.
Ang parehong kagawaran ay nangako na susunod sa mga umiiral na batas at regulasyon, kabilang ang tungkol sa mga proseso ng pagkuha, budget at accounting.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si BOC Commissioner Bienvenido Rubio kay DICT Sec. Ivan John Uy, Undersecretary David Almirol, Jr., at Undersecretary Paul Joseph Mercado, sa kanilang pagsisikap na pagsama-samahin ang mga ahensya ng gobyerno upang maihatid ang pinabuting serbisyo publiko.
Ang paglagda ng MOU sa pagitan ng BOC at DICT ay tinuturing na isang milestone sa patuloy na digital transformation journey ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang partnership na ito ay nagpapahiwatig ng iisang pananaw sa pagtatatag ng Digital Philippines. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News