Pinayagan ni Transportation Secretary Vince Dizon na ipagpatuloy ng motorcycle taxis ang kanilang operasyon.
Ito ay habang hinihintay na pagtibayin ng Kongreso ang batas para maging legal ang operasyon ng motorcycle taxis.
Ang hakbang ng Department of Transportation ay kasunod ng pulong kasama si Angkas Founder George Royeca, kung saan pinag-usapan na sa operasyon ng motorcycle taxis umaasa ng ikabubuhay ang mga rider.
Nagtapos ang pilot program para sa motorcycle taxis noong 2024, subalit nananatiling nakabinbin ang batas para maging legal ang industriya, at wala nang natitirang panahon bago magsara ang 19th Congress.