dzme1530.ph

Morale ng PNP, posibleng apektado sa pagsibak kay Torre

Loading

Hindi inaalis ni Sen. Panfilo Lacson na posibleng apektado ang morale ng ilang tauhan ng Philippine National Police sa pagsibak kay Police General Nicolas Torre III bilang kanilang lider.

Aniya, tiyak na dismayado ang mga tauhan ng PNP na malapit kay Torre.

Subalit, binigyang-diin ng senador na ang PNP, katulad ng Armed Forces of the Philippines o anumang uniformed organization, ay binubuo ng mga propesyonal na sinanay na sumunod sa anumang legal orders mula sa duly constituted authority.

Kaya’t inaasahan ni Lacson na kikilos pa rin ang bawat miyembro ng PNP sa kabila ng naging biglaang aksyon at magpapatuloy sa pagtupad ng kanilang tungkulin na “to serve and protect” upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

About The Author