Nananatiling mataas ang ‘morale’ ng mga sundalong Pilipino sa kabila ng lumalalang mga hamon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro, ang mga hamon ang lalong nagpapalakas ng inspirasyon sa mga sundalo upang kanila pang paigtingin ang pagtupad sa mga tungkulin.
Sinabi pa ni Teodoro na ang personal na pag-bisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga sundalong naging bahagi ng rotation and resupply mission sa Ayungin shoal ay itong nag-semento sa kanilang morale.
Mismong ang Pangulo rin umano ang humanga sa katapangan at dedikasyon ng mga sundalo ng Western Command kaya’t makasisiguro sila sa buong suporta ng Armed Forces of the Philippines at ng administrasyon sa kanilang tungkuling ipagtanggol ang territorial integrity, sovereignty, at sovereign rights.