dzme1530.ph

Monica Louise Teodoro, itinalagang Special Envoy to UNICEF

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Monica Louise Teodoro bilang Special Envoy of the President to the United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment ni Teodoro kahapon Agosto a-28.

Mababatid na si Teodoro ay dati nang naging Special Envoy to UNICEF sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago ito ay naging kinatawan din siya ng unang distrito ng Tarlac.

Siya rin ang maybahay ni Defense Sec. Gibo Teodoro. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author