Darating sa bansa si Mongolian Foreign Minister Battsetseg Batmunkh para sa kanyang official visit sa May 19 hanggang 20.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, magkakaroon ng bilateral meeting si Batmunkh sa kanyang counterpart na si DFA Secretary Enrique Manalo, para talakayin ang estado ng relasyon ng Pilipinas at Mongolia.
Nakatakda ring mag-courtesy call ang Mongolian Foreign Minister kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at makipagpulong kay Senate President Francis Escudero.
Sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang pagbisita sa bansa ni Batmunkh, na kauna-unahang mongolian foreign minister simula noong 1984, ay makatutulong upang mapagtibay pa ang “diplomatic relations” ng dalawang bansa na umabot na ng 60-taon noong 2024.