dzme1530.ph

Moira dela Torre, nominado para sa Best Asia Act award sa 2023 MTV EMA

Pasok ang Filipino singer-songwriter na si Moira dela Torre sa mga nominado para sa Best Asia Act award sa 2023 MTV Europe Music Awards.

Inanunsyo kahapon, Oktubre a-4 ang nominees sa inaabangang MTV EMA awards na gaganapin sa Nobyembre a-5 ngayong taon sa Paris Nord Villepinte Convention Center.

Pinaka nanguna sa mga nominado ay ang American singer-songwriter na si Taylor Swift na nakakuha ng pinakamaraming nominasyon, kabilang na ang best song, Best Artist, Best Pop, Best Live, Biggest Fans at Best Video award.

Sinundan ito ni Olivia Rodrigo at Sza na may tig-anim na nominasyon; Doja Cat, Maneskin, Miley Cyrus at Nicki Minaj na may tig-apat na nomination.

Habang tatlong nominasyon naman ang nakuha ni Jungkook ng BTS para sa Best Song award, Best K-Pop at Biggest Fans award. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author