dzme1530.ph

Modernong warehouses sa Eastern Visayas, itatayo ng NFA ngayong taon

Loading

Magtatayo ang National Food Authority (NFA) ng modernong warehouses sa Leyte at Eastern Samar ngayong taon.

 

Ito ay para masuportahan ang National Buffer Stocking Program, gayundin ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng post-harvest mechanisms.

 

Sinabi ni NFA Acting Deputy Administrator John Robert Hermano, na bawat warehouse sa Alangalang, Leyte at Oras, Eastern Samar ay nagkakahalaga ng 550 million pesos.

 

Aniya, ang warehouse ay mayroong drying capacity na 270,000 bags at milling capacity na 400,000 bags kada taon.

 

Idinagdag ni Hermano na plano ng NFA na magtayo ng tatlumpu’t anim na modern warehouses sa buong bansa gamit ang 5 billion pesos na inilaan noong 2024.

About The Author