dzme1530.ph

Modernisasyon ng AFP at Coast Guard, dapat nang madaliin

Iginiit ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang pangangailangan na madaliin na ng gobyerno ang isinusulong na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Sa gitna anya ito ng tumitinding pag-atake ng China sa mga barko ng Pilipinas sa loob ng ating Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni Zubiri na ang mahalaga ngayon ay madaliin na ang pagbili ng mga makabagong kagamitan para sa AFP at PCG.

Hindi man anya natin kayang tapatan ang China ngunit madagragdagan naman ang ating mga sundalo at Coast Guard na magpapatrolya sa WPS.

Sinabi pa ni Zubiri na kitang -kita sa huling insidente na kinuyog ang ating mga sundalo at Coast Guard kaya’t mayroon pang nasugatan.

Makatutulong din anya ang New Government Procurement Act para mapadali ang Modernisasyon ng AFP at PCG.

Ngayong 2024 ay naglaan ang Senado ng anim na bilyong Piso para sa AFP at P2.8 billion para sa Coast Guard.

About The Author