Hinimok ng isang mambabatas ang ibang Philippine-based mobile money operators na gumawa ng mga hakbang para mapababa ang binabayarang remittance fee ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ay kasunod ng pag-roll out ng serbisyo ng gcash sa ibang mga bansa kahit walang Philippine-registered sim.
Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., kung ang mga digital wallet at payment services ay magagamit na sa ibang bansa, magandang alternatibo ito para sa mga OFW na makapagpadala ng pera sa kanilang mga pamilya dito sa pilipinas sa mas maliit na remittance charge.
Binigyang diin ng ni Campos na batay sa World Bank Remittance Prices Worldwide Report, 6.3% ng ipinapadalang remittance ng mga OFW ang napupunta lamang sa remittance charges at 11.69% naman ang charge pag ipinadala ito sa pamamagitan ng mga bangko. —sa panulat ni Jam Tarrayo