dzme1530.ph

MOA para sa pagtatag ng OFW Help Desk nilagdaan ng OWWA at Parañaque LGU

Lumagda ng Memorandum of Agreements (MOA) ang Parañaque City Government at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagtatag ng OFW Help Desk sa lungsod.

Ayon sa pamunuan ng OWWA ang OFW Help Desk ay magiging tulay upang masigurong mabilis at maayos na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin.

Sa pamamagitan anya ng proyektong ito, mas mapapadali ang pag access ng mga kababayang OFWs sa mga serbisyo at tulong na kanilang kailangan.

Pinasasalamatan naman ng OWWA ang pamahalaangLungsod ng Parañaque sa kanilang suporta at pakikiisa sa pangangalaga ng ating mga kababayang OFWs.

About The Author