dzme1530.ph

MMDA, walang paniket para sa iba pang paglabag ng convoy ni ex- Gov. Chavit Singson

Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang kawalan ng plaka, at conduction stickers, pati na ang paggamit ng blinkers ng convoy ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson matapos mahuli, dahil sa paggamit sa EDSA busway.

Ayon kay MMDA Special Operations Strike Force Officer-in-Charge Gabriel Go, mayroon namang naka-indicate na tila file number sa sasakyan ng dating gobernador.

Gayunman, ipinaliwanag ni Go na wala silang paniket sa mga lumalabag sa Presidential Decree (PD) no. 96 dahil ang iniisyu lamang nilang ticket ay para sa violation sa EDSA busway.

Sa ilalim ng PD 96, ipinagbabawal sa motor vehicles ang paggamit o paglalagay ng sirena, wang-wang o kaparehong gadgets na may malakas at nakagugulat na tunog, pati na domelights at iba pang signalling o flashing devices.

About The Author