Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabagal na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue.
Magpapatupad naman ang MMDA ng zipper lane o counter flow sa southbound portion ng Commonwealth Avenue para bigyang daan ang mga sasakyan ng gobyerno at bisita na tutungo sa Batasan Complex.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, nasa 1,354 kawani na may iba’t ibang tungkulin sa SONA ang idedeploy.
Kabilang dito ang pamamahala sa trapiko, pagsasagawa ng road at sidewalk clearing operations, tutulong sa pagkontrol ng tao, pagmomonitor ng daloy ng trapiko, tutugon sa kalamidad at iba pang emergency.