dzme1530.ph

MMDA, pinaalalahanan ang mga kandidato na pinapayagan lamang ang motorcades tuwing weekends at holidays

Loading

Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kandidato sa Halalan 2025 na tuwing weekends at holidays lamang pinapayagan ang caravans at motorcades.

Sinabi ni MMDA Chairperson, Atty. Romando Artes na naglabas na sila ng kautusan na hindi sila magbibigay ng permit sa mga kalsadang saklaw ng kanilang hurisdiksyon kapag weekdays.

Ginawa ni Artes ang pahayag, sa pagsisimula ng local campaign period, kahapon, March 28.

Ipinaalala rin ng MMDA chief sa mga kandidato na kailangan munang kumuha ng road user permits bago sila magsagawa ng caravans at motorcades, kung ayaw nilang ma-tiket-an ang kanilang mga sasakyan.

About The Author