Isasailalim ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga traffic enforcers sa pagsasanay bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Single Ticketing System.
Inanunsyo ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na sa darating na Hunyo a-27 ay nakatakdang isalang sa training ang mga traffic enforcers sa Metro Manila.
Na-customize na aniya ang unang batch ng handheld device sa pitong local government unit kabilang ang San Juan, Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Pateros, Paranaque, at Muntinlupa City.
Plano ng ahensiya na maikasa na sa Hulyo ang paggamit ng handheld devices para sa mas maayos na implementasyon ng Single Ticketing System. —sa panulat ni Jam Tarrayo