Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority ang 17 local government units na pagtibayin ang kanilang mga water mitigation measures para maibsan ang epekto ng El Nino phenomenon.
Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes habang inaprubahan ng Metro Manila Council ang isang resolusyon na naglalatag ng ilang hakbang na naglalayong bawasan ang epekto ng El Nino.
Kabilang na rito ang pagkolekta ng tubig-ulan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga catchment area, pagbabawas sa paggamit ng tubig sa maintenance ng mga golf course at sa paghuhugas ng mga sasakyan.
Ayon kay Artes, nakabuo ang ahensya ng mga pangunahing disenyo para sa rainwater catchment system na kayang humawak ng hanggang 10,000 litro ng tubig-ulan na ipamamahagi sa mga LGUs sa Metro Manila.