Inihahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng kanilang assets at equipment kasunod ng pagdedeklara ng Pag-asa na opisyal nang nagsimula ang tag-ulan sa bansa.
Sinabi ni Engr. Michael Doce, Chief ng Pumping Stations and Flood Gates Division ng MMDA, na inalerto ng ahensya ang lahat ng kanilang personnel upang masiguro ang kahandaan ngayong rainy season.
Tiniyak din ni Doce sa publiko na maayos na gumagana ang lahat ng kanilang 71 pumping stations sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ng MMDA official na malaking tulong ang mga pumping station para mabilis na humupa ang baha.
Nanawagan din ito sa publiko na huwag magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig o estero dahil nakaaapekto ito sa kanilang equipment.