Muling nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara sa mga daluyan ng tubig na siyang naging sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila.
Ang panawagan ng MMDA kasunod ng walang katapusan paghahakot ng mga basura sa mga estero at ilog ng mga tauhan ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office.
Ang regular na paglilinis sa mga ilog ay para alisin ang basura na nakaaapekto sa maayos na daloy ng tubig.
Ang nakabarang basura sa kanal, estero, at iba pang daanan ng tubig ay pinagmumulan ng mga pagbaha sa tuwing umuulan.