Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inihahanda na nila kasama ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) patungkol sa preparasyon sa nakaambang krisis sa tubig at El Niño phenomenon.
Ito ang Inihayag ni MMDA acting chairman Romando Artes sa full council meeting.
Sinabi ni Artes na magpo-procure ang MMDA ng rainwater catchment basin para sa mga pampublikong paaralan at barangay upang makontrol ang pagbaha.
Mahalaga rin aniya na malaman kung paano mare-regulate ang paggamit ng tubig.
Iprinisinta naman ng DOST-PAGASA ang sea surface temperature anomalies at model guidance forecast ng El Niño.
Samantala, tinalakay ng MWSS ang historical elevation ng Angat Dam na sa kasalukuyan ay nasa above minimum operating level ito.
Inilatag naman ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga kinakailangang aksiyon upang matugunan ang epekto ng El Niño gaya ng pagsasagawa ng cloud seeding operations. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News