Magse-set-up ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang mga ahensya ng Multi-Agency Command Center sa Metrobase, simula sa April 3 upang matiyak ang mapayapang paggunita sa Mahal na Araw.
Ang Command Center ang magmo-monitor sa actual status ng major transport hubs, partikular sa bus terminals, sa kamaynilaan, simula Lunes Santo, April 6 hanggang Huwebes Santo, kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong bi-biyahe palabas ng Metro Manila.
Sinabi ni MMDA acting Chairperson Don Artes na sa pamamagitan ng command center ay magiging mas mabilis at mas coordinated ang traffic management response, dahil ang inter-agency task force ang magbabantay sa sitwasyon sa malalaking transport terminals at mga kalsada gamit ang closed-circuit television cameras.
Magkakaroon din ng inter-agency terminal inspection ilang araw bago ang Semana Santa.