dzme1530.ph

MMDA, magpapakalat ng mahigit 1,300 tauhan para sa SONA

Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority ng 1,329 na tauhan para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay MMDA Acting Traffic Operations Officer Manny Miro, ang idedeploy na personnel ang magmamando ng trapiko at pedestrians sa mga kalsada patungo sa Batasang Pambansa.

Magsisilbi rin silang emergency respondents sa mismong araw ng SONA.

Magsasagawa rin ang mga ito ng clearing operations sa mga sidewalk.

Sinabi naman ni Miro na ia-anunsyo ang mga isasarang kalsada ilang araw bago ang SONA.

About The Author