dzme1530.ph

MMDA, IBINALIK ANG 30-MINUTE ‘HEAT STROKE BREAK’ PARA SA TRAFFIC ENFORCERS

Loading

Muling ipinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 30-minute “heat stroke break” para sa traffic enforcers, sa harap ng inaasahang pagtaas pa ng temperatura sa mga darating na buwan.
 
Sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na layunin ng health break na protektahan ang traffic personnel na nakababad sa matinding sikat ng araw para magmando ng mga sasakyan sa mga kalsada.
 
Ang mga morning-shift personnel ay bibigyan ng staggered breaks sa pagitan ng 10 a.m. at 11 a.m., habang ang mga panghapong duty ay maaaring magpahinga sa pagitan ng 2 p.m. at 3 p.m.
 
Tuwing tanghalian ay mamamahagi ang ahensya ng inuming tubig sa MMDA personnel, sa pakikipagtulungan ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
 
Tinatayang nasa 4,000 traffic enforcers sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang inaasahang makikinabang sa programa na tatagal hanggang May 31

About The Author