dzme1530.ph

MMDA, HANDA SA MAGIGING EPEKTO NG TRANSPORT STRIKE

Loading

Magde-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng shuttle services para sa mga naapektuhan ng transport strike, bukas at sa Biyernes.

 

Sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na nakahanda sila sa anumang magiging epekto ng strike lalo na kung magkakaroon ng stranded commuters.

 

Kapansin-pansin naman na nabawasan ang volume ng mga sasakyan sa major thoroughfares sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Isinusulong din ng MMDA ang paggamit ng mga alternatibong transportation modes tulad ng paggamit ng mga tren at carousel ng mga naka-pribadong sasakyan.

 

Kasabay nito, tiniyak ni Torre na naghahanda na rin sila sa posibleng Holy Week exodus simula sa susunod na linggo dahil sa Semana Santa.

About The Author