Muling magpupulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at ilang lokal na pamahalaan sa darating na Biyernes, August 8, upang ipagpatuloy ang talakayan hinggil sa panukalang total o partial parking ban.
Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, inatasan na nila ang mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan na dalhin ang listahan ng mga kalsadang nais nilang isailalim sa total ban o restrictive implementation.
Ani Artes, marami pang konsiderasyong kailangang pag-aralan ng mga kinauukulang ahensya kaugnay ng panukala, kabilang na ang epekto nito sa ekonomiya at ang kasalukuyang kalagayan ng mga lansangan.