dzme1530.ph

MMDA CHIEF, inako ang pagbabayad ng multa ng driver ng shuttle na nahuling dumaan sa EDSA busway

Aalamin ng MMDA kung nakarating sa drivers ng kanilang mga shuttle bus ang correction sa memorandum hinggil sa pagdaan ng kanilang sasakyan sa EDSA bus carousel lane.

Ito’y matapos mahuli sa operasyon ng DOTR Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), ang dalawang bus ng MMDA na iligal na dumaan sa EDSA busway, kahapon.

Nagpakita ng memo ang mga driver na may petsang February 20 sa mga DOTR enforcer, na nagsasabing pinapayagang dumaan sa EDSA busway ang MMDA shuttle buses na ginagamit sa transportasyon ng kanilang mga empleyado.

Gayunman, sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na “not allowed” ang dapat na nakasaad sa memo, kaya iimbestigahan nila kung nagkaroon ng kalituhan sa ahensya.

Inako na rin ni Artes ang pagbabayad ng multa ng hinaraang na drivers ng MMDA.

About The Author