Inamin ni Sen. Joel Villanueva na posibleng nasa 3 o 4 na miyembro ng “Solid 7” bloc ng Senado ang nakahandang sumali sa Minority bloc kasunod ng pagpapalit ng kanilang lider.
Sinabi ni Villanueva na isa ito sa mga opsyon sa kanilang planong “moving forward” bilang mga miyembro ng Senado.
Bukod kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri, sinabi ni Villanueva na kabilang sa mga nais sumapi sa minority ay sina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, at Sonny Angara.
Nakausap na anya nila si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at very much welcome naman sila sa grupo.
Sa kabila ito ng pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na bahagi pa rin sa ngayon ng Majority Bloc ang grupo ni Zubiri.
Sa rules at tradisyon ng Senado, ang bumoto sa nanalong pangulo ay nagiging kasapi ng majority bloc subalit malaya anya sila kung nais nilang mapabilang sa minority bloc.