dzme1530.ph

Mix oil price adjustment, ipinatupad ngayong araw

Loading

Ipinatupad na ngayong araw ang oil price adjustment sa mga produktong petrolyo.

May dagdag na ₱0.20 kada litro sa presyo ng gasolina, habang bumaba naman ng ₱0.20 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene.

Ayon sa mga kumpanya ng langis tulad ng Seaoil, Jetti Petroleum, PTT Philippines, at Petron, epektibo ang price adjustment alas-sais ng umaga ngayong Disyembre 16.

Posible namang bumaba ang presyo ng langis sa mga susunod na linggo dahil sa inaasahang oversupply ng krudo hanggang unang quarter ng 2026.