dzme1530.ph

Mitsubishi, mag-iinvest ng ₱7-B sa bansa sa susunod na 5-taon

Loading

Mag-iinvest ang Mitsubishi Motors Corp. ng ₱7-B sa Pilipinas sa susunod na limang taon.

Ito ang kinumpirma ni MMC President at CEO Takao Kato sa courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang.

Ayon sa MMC, kabilang sa investments ay ang pagdaragdag ng bagong production model sa kanilang planta sa Laguna.

Pinuri rin ni Kato ang Pilipinas bilang kanilang numero unong market sa ASEAN.

Welcome naman sa Pangulo ang investment, at sinabing napakahalaga ng malilikha nitong bagong trabaho.

Upang makatulong sa kanilang expansion, sinabi ni Marcos na isasama ang Mitsubishi sa Revitalizing the Automotive Industry for Competitiveness Enhancement (RACE) program ng gobyerno.

About The Author