dzme1530.ph

Miss Universe pageant, wala nang age limit

Tinanggal na ng Miss Universe Organization ang ‘age limit’ ng Miss Universe at sa mga kaugnay na pageant nito.

Ayon kay Miss Universe 2022 R’bonney Gabriel, kapag ang isang babae ay nasa wastong gulang na, siya ay may kalayaan na lumaban sa Miss Universe kasama ang ibang kandidata.

Inihayag ni Gabriel ang isyu noon sa “age restrictions” nang siya ay tanungin sa isang segment patungkol sa mga patakaran na nais niyang baguhin sa oranisasyon.

Samantala, kung tinanggal na sa Miss Universe ang limitasyon sa edad, mananatili naman ito sa Miss Supranational Pageant na may age limit na 32. –sa panulat ni Suzzaine Bosch

About The Author