dzme1530.ph

Minority Bloc sa Kamara, naglatag ng sariling legislative mill

Naglatag din ng sariling legislative mill ang Minority Bloc sa Kamara ngayong nagbalik na ang sesyon.

Ayon kay House Minority Leader at 4Ps Party List Rep. Marcelino Libanan, number one sa listahan niya ay ang New Imigration Bill at Security of Tenure sa mga nagkakaloob ng tulong sa mga beneficiaries ng 4Ps program.

Nais din ni Libanan na i-revisit ang EPIRA Law bilang bahagi ng energy sector reform measure.

Inamin ng minority leader na pabor siyang manatili ang hybrid rules dahil hindi pa tapos ang pandemic at muli na namang tumataas ang kaso ng COVID-19 kaya tama na payagan pa rin ang zoom sa mga gawain ng Kamara. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author