Pag-aaralan muli ng pamahalaan ang Mindanao Railway Project para ma-update ang gastos at potential ridership.
Posible ring isali sa gagawing review ang paglipat ng financial mode at isali ang pribadong sektor, sa halip na puro loans ang gamitin sa pagtatayo ng naturang proyekto.
Ipinaliwanag ng Department of Transportation na kailangang rebyuhin ang detalyadong engineering design ng project, at dahil sa delay ay maaring ibalik ito sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang ma-update.
Nawalan ng funding source ang Mindanao Railway Project makaraang i-pullout ng Department of Finance ang request ng bansa para sa Official Development Assistance mula sa China noong October 2023.