Pinalilikas na ang ilang milyong residente sa Mexico bunsod ng muling pagiging aktibo ng Popocatépetl Volcano.
Ayon sa mga otoridad, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbuga ng makakapal na abu ang naturang bulkan kung kaya’t naantala ang ilang flights sa Mexico City.
Ipinasara na rin ang ilang operasyon ng gusali sa lugar kasabay ng kanselasyon ng mga klase.
Tinatayang aabot sa 25-M katao ang naninirahan sa 60-miles radius ng bulkan sa Mexico City sa pagitan ng Morelos, Publa at State of Mexico.
Matatandaang kamakailan lang ay itinaas ng National Civil Protection Coordination (NCPC) ang kanilang volcanic threat sa “yellow phase 3” bilang paghahanda na rin sa posibleng evacuation. —sa panulat ni Jam Tarrayo