dzme1530.ph

Military Strategy para sa Geopolitical Challenges, pinatitiyak ng Pangulo!

Ipinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa militar na naaangkop ang kanilang mga istratehiya sa geopolitical challenges sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Sa talumpati sa 67th Founding Anniversary ng Naval Special Operations Command (NAVSOCOM), inihayag ng Pangulo na mula sa pagtutok sa Internal Security, ngayon ay mas kailangan ng palakasin ang External Defense ng Pilipinas.

Kaugnay dito, hinimok ni Marcos ang Department of National Defence at Armed Forces of the Philippines na pag-aralang maigi ang deployment ng kanilang pwersa.

Inatasan din silang ipagpatuloy ang pagpapalawak sa kakayanan ng Specialized Units para sa paghahanda sa anumang pwedeng mangyari.

Iginiit pa ng Commander-In-Chief na dapat gamitin ang NAVSOCOM sa pag-suporta sa Naval Defence at pagpapaigting ng Maritime Security.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author