![]()
Hindi apektado ng nagaganap na “word war” kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea ang tropa ng pamahalaan lalo na ang mga nakabantay sa karagatan.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nauunawaan ng mga sundalo ang mga isyu at nakatutok sila sa kanilang mandato.
Nananatili anyang mataas ang morale ng mga sundalo sa kabila ng maiinit debate at katunayan ay natatawa pa sila dahil mas malalim ang pagkaintindi nila sa isyu.
Kasabay nito, ipinaalala ni Trinidad na ang kaaway sa usapin sa West Philippine Sea ay hindi ang mga kapwa Pilipino kundi ang nanghimasok sa ating teritoryo.
Maliwanag anya na kung hindi nakabatay sa pakikipaglaban ng Pilipinas ang mga inihahayag ng ilan ay maituturing na naratibo ito ng Chinese Communist Party.
