dzme1530.ph

MILF members na nasa likod ng pananambang sa AFP sa Sumisip, Basilan, tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na siyang nanambang ng mga sundalo sa Sumisip, Basilan noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, mahigpit ang koordinasyon ng PNP-PRO Bangsamoro sa AFP para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Habang nakikipag-ugnayan din ang Pulisya sa pamunuan ng MILF upang masiguro ang maayos at mapayapang resolusyon sa insidente.

Sinabi pa ng opisyal, umaasa sila sa pagpapakita ng ‘good faith’ ng MILF leadership para sa hustisya at kapayapaan sa pamamagitan ng pagharap sa mga responsable upang mapanagot sa batas.

Matatandaang, dalawang sundalo ang namatay sa Basilan ambush habang naiulat sa labing dalawa ang nasugatan.

Tiniyak naman ng PNP na nananatiling maayos at kontrolado ang peace and order sa Basilan at sa karatig-probinsya. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author