Nasa isang hindi tinukoy na lokasyon sa Northern Luzon ang mid-range capability missile system (MRCS) ng US Army, na bahagi ng Exercise Salaknib 24 kasama ang Philippine Army.
Ito ang unang pagkakataon na idineploy ang MRCS System sa bansa at pinayagan ang U.S forces na ilunsad ang standard missile 6 at Tomahawk Land Attack Missiles patawid ng Luzon Strait.
Inihayag naman ng citizen’s movement group na P1NAS, na ang pagpapahintulot sa Tomahawk missile launchers na tumapak sa bansa, ay pagbibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng signal na galitin ang China.
Ito umano ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa Amerika ng kapabilidad na maglunsad ng mga pag-atake sa China mula sa sarili nating teritoryo.