dzme1530.ph

Microsite para sa Maharlika Fund, maaari nang ma-access

Inilunsad na ng gobyerno ang Microsite para sa Maharlika Investment Fund.

Maaari nang ma-access ang Maharlika Microsite sa website na maharlika.dof.gov.ph

Ayon sa Presidential Communications Office, dito makikita ang mga mas detalyadong impormasyon at updates hinggil sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Inilagay din ang mga nilalaman ng Maharlika Investment Fund Act.

Ang Microsite ay pamamahalaan ng Department of Finance, Department of Budget and Management, at Bureau of Treasury.

Mababatid na isinabatas na ang Maharlika Invesment Fund Act na nagtatag ng sovereign wealth fund, na gagamitin ng gobyerno sa pag-iinvest upang ito ay mapalago at makalikha ng karagdagang kita.

Sa kabila nito ay maraming kritiko pa rin ang nababahala na maaari umanong magamit ang Maharlika Fund sa korapsyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author