dzme1530.ph

Michelle Mae Gonzales, itinalagang commisioner-at-large ng NYC

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Michelle Mae Baluyut Gonzales bilang bagong commisioner-at-large ng National Youth Commision.

Batay sa appointment paper, nakasaad na itinalaga si Gonzales sa NYC noong Aug. 12, at manunungkulan ito sa loob ng tatlong taon

Pinalitan ni Gonzales si Former NYC commissioner-at-large Laurence Anthony Diestro.

Nanumpa na rin ito sa pwesto sa harap ni Executive Sec. Lucas Bersamin.

Ang NYC ang policy-making body para sa lahat ng institusyon, programa, proyekto, at aktibidad ng gobyerno para sa kabataan.

About The Author