dzme1530.ph

Michael Yang, pinadadalo sa hearing ng kamara kaugnay sa P3.6-B illegal drugs

Muling pinadalhan ng imbitasyon ng House Committee on Dangerous Drugs para dumalo sa hearing ang businessman at dating economic adviser ni former President Rodrigo Duterte na si Michael Yang.

Ito’y nang hindi siputin kahapon ni Yang ang paanyaya ng komite na pinamumunuan ni Congressman Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte.

Ayon kay Barbers, sa pamamagitan ng abogado ni Yang, muli nila itong inaanyayahan na humarap sa hearing para sagutin ang maraming katanungan.

Ang imbestigasyon ay kaugnay sa nasakoteng P3.6-B halaga ng iligal na droga sa Mexico, Pampanga noong September 2023.

Nabatid na si Yang ay incorporator, stockholder o financier ng iba’t ibang korporasyon na nag-uugnay sa Empire 999 Realty, Inc. na siyang nagmamay-ari ng warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan nakita ang mga shabu na naipasok sa bansa sa pamamagitan ng Subic Freeport Zone.

About The Author