Magkakaroon ng annual na ₱1.28-Billion na dibidendo ang Maharlika Investment Corp., sa unang tatlong taon ng pagkakaroon ng shares sa National Grid Corp. of the Philippines.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MIC President at CEO Rafael Consing Jr. na ang kukunin nilang 20% shares ay magkakahalaga ng ₱19.7-Billion, sa bisa ng binding agreement sa Synergy Grid and Development Philippines Inc..
Kaugnay dito, magkakaroon ang MIC ng 6 ½% na dibidendo sa NGCP, o ₱1.28-Billion kada taon.
Paglipas naman ng tatlong taon ay tataas ang kanilang dividends sa 8%.
Umaasa si Consing na maseselyuhan na ang lahat ng transaction documents sa kasunduan sa loob ng 180-araw.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sinong mga opisyal ang ilalagay sa tig-dalawang seats na makukuha ng MIC sa NGCP at SGP. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News