Umapela ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga establisimyento sa Ninoy Aquino international airport (NAIA) na nagtitinda ng mga pagkain na panatilihin ang kalinisan sa kanilang Lugar.
Ang panawagan ni Eric Ines matapos ang kontrobersiyal sa isyu ng mga pasaherong kinagat ng surot sa NAIA at sinundan pa ng ipis at daga na nakunan naman ng pasahero sa NAIA terminal 3 at nag viral sa social Media.
Sinabi ni Ines na may mga lapses sa bahagi ng housekeeping at pest control units upang malinis at mapanatili nang maayos ang apat na terminal facility.
Inatsan na ni Ines ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon at repasuhin ang mga kontrata ng mga pribadong kontratista na sangkot sa house maintenance at pest control.
Humingi naman ng paumanhin si GM Ines sa publiko at tiniyak nito na agad nilang inaksyonan ang problemang ito.