dzme1530.ph

MIAA, umapela ng pang-unawa sa publiko dahil sa madalas na Lightning Red Alerts

Hiniling ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa air riding public ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko dahil mas marami pang lightning red alert ang inaasahan bunsod ng madalas na pagsama ng panahon.

Binigyan diin ni MIAA OIC Bryan Co na prayoridad ng ahensya ang kaligtasan ng mga pasahero at ground operation personnel na kadalasang nalalagay sa panganib tuwing nagkakaroon ng sunod-sunod na pagkidlat sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA).

Ang MIAA Airport Ground Operations and Safety Division (AGOSD) ay nagdedeklara ng Lightning Red Alert kapag nakikitang mapanganib ito alinsunod na rin sa safety protocol.

Ang pansamantalang pagsususpinde ng lahat ng flight at ground operations sa NAIA hanggang sa ito ay i-downgrade sa Lightning Yellow Alert, ay nagsasaad na ligtas na at maari ng ipagpapatuloy ang flight at ground operations.

Ayon kay Co ang MIAA ay nakikipag coordinate sa mga airlines, ground handler, air traffic services at iba pang stakeholder upang matiyak ang mabilis na pagbawi at normalisasyon ng mga aktibidad sa paliparan. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author