Nakipagpulong ngayon si MIAA General Manager (GM) Eric Ines sa Airline Operators Council (AOC) at Philippine Airlines (PAL) upang talakayin ang paghawak ng mga excluded passengers na hindi pinapasok ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa.
Sa pagpupulong, sinabi ni GM Ines ang responsibilidad ng mga airline sa mga pasaherong ito at ang pangangailangang maibalik sila sa bansang pinanggalingan sa lalong madaling panahon matapos ibigay sa kanila ng BI.
Nanawagan si Ines sa mga airlines operator na gawin ang kanilang responsibilidad sa mga pasaherong hindi makapasok sa bansa.
Dapat din anya maalagaan ang stressed passengers na na-exclude dahil sila parin ang pangunahing pasahero ng mga airlines na dapat makuha din nila ang kanilang karapatan.
Nag-alok ang Airline Operators Council (AOC) na magsumite sa MIAA ng mga proposal kung paano tutugunan ang pangangasiwa sa mga excluded passengers para makabalik sa kanilang bansang pinagmulan.
Ang nasabing panukala ay pag-uusapan kasama ang Bureau of Immigration para matiyak na walang malalabag na probisyon sa ilalim ng Philippine Immigration Act.