dzme1530.ph

MIAA, humingi ng paumanhin sa mga pasaherong kinagat ng surot sa NAIA

Inatasan na ni MIAA General Manager Eric Ines ang Terminal Manager ng terminal 2 at 3 na mag report sa kanya sa loob ng 24-oras para alamin ang naka post sa social ng ilang tao na sinasabing nakagat sila ng surot sa NAIA.

Ito’y matapos makarating ang mga ulat sa Manila International Airport Authority (MIAA) tungkol sa mga post sa social media.

Ang direktiba ay ibinigay din para sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad at panatilihin ang kalinisan.

Humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA sa mga biktima at tinitiyak sa kanila na maaasahan ang mabilis na paglutas dito.

Kasunod ng pagsisiyasat, nakumpirma na ang mga terminal ay nakatanggap ng mga reklamo at ang dalawa sa mga nakagat ay hinanap at binigyan ng tulong medikal ng medikal team ng MIAA.

Ang mga upuan na tinukoy sa mga ulat ay permanenteng tinanggal habang patuloy naman ang isinagawang disinfection sa lugar.

About The Author