dzme1530.ph

MIAA, dismayado sa isang SSO na nagnakaw at lumunok ng $300 mula sa papaalis na pasahero sa NAIA

Dismayado ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa insidente na kinasangkutan ng isang babaeng OTS personnel na napaulat na lumunok ng $300 na kinuha niya sa wallet ng papaalis na pasahero.

Sinabi ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na walang lugar sa NAIA ang mga frontliner ng paliparan na gumagawa ng mga nakakasirang aksyon sa kabila ng pagsisikap ng MIAA na mapabuti ang antas ng serbisyo sa paliparan.

Ayon Kay Co natapos na ng OTS, ang paunang imbestigasyon sa kanilang mga tauhan, na kasalukuyan na aniya itong na-relieve sa pwesto.

Naniniwala si Co na gagawa ng agarang aksyon ang pamunuan ng Office for Transportation Security matapos makakuha ng kopya ng CCTV sa mismong area ng final security checkpoint sa NAIA terminal 1 kung saan nangyari ang pagnanakaw. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author